“Pilipinas” patungong “Filipinas”

Image

(c) Prof. Rolando S. Dela Cruz

Sulat ni: Angela Betina P. Bonifacio

Colegio de San Juan de Letran, Intramuros

Ito ay isang isyung kinahaharap ngayon ng buong bansa na kinakailangang pagdebatihan

dahil sa hindi pag sang-ayon ng nakararami. Ayon kay Virgilio Almario o kilala bilang Rio Alma

na chairman ng Komisyon ng Wikang Filipino, ay nais niyang ibalik ang bansag na “Filipinas”

mula sa “Pilipinas” sa kadahilanang ang Filipinas daw ay ang orihinal at opisyal na pangalan ng

ating bansa na ibinigay ni Villalobos mula pa noong 1548 na umabot ng tatlong siglo.  Para sa

akin ay hindi ako suma sang-ayon dito sa panukalang ito. Una, ay dahil ang salitang “Pilipinas”

ay nakagawian na nating mga Pilipino, ito na yung laging binibigkas ng ating mga dila. Ang pag

bigkas kasi ng “Filipinas” ay nanggaling sa mga salitang Kastila dahil sa letrang “F” na hindi

naman kabilang sa abakada. Kaya ‘pag naipatupad na ang panukalang ito, ang dating sa akin

ay parang pumapanig tayo sa koloniyalismo ng espanyol sa ating bansa at parang

nagpapasailalim pa rin tayo sa mga dayuhan. Ikalawa, magiging magastos ito para sa isang

naghihirap na bansa. Tulad ng mga iba’t ibang logo ng mga departamento ng ating bansa, iisa

isahin pa nating papalitan ang mga iyon ng salitang “Filipinas”, imbis na yung magagastos doon

ay ipang-kain at ipang-aral na lamang sa mga higit na nangangailangan. Sa aking napanuod na

forum ukol dito sa dikusyon na ito, sinasabi ng commissioner ng K.W.F na isang pang layunin

nitong ortograpiyang reform ay upang magkaroon ng nation building o pagkakaisa kasama ng

mga kapatid nating katutubo. Kung tungkol sa pagkakaisa ang nais nilang mangyari ay mayroon

namang ibang paraan para doon, at hindi sa pag papalit ng pangalan ng bansa ang solusyon.

Ang pagpalit ng pangalan mula “Pilipinas” patungong “Filipinas” ay may halong katatawanan din

para sa nakararami. Tulad sa Unibersidad ng Pilipinas na kilala sa tawag na “UP” ay magiging “UF” na,

naihahalintulad sa isang brand ng catsup. Wala namang mali sa tawag na “Pilipinas” kaya isa lamang malaking

aksaya sa pera at panahon ang pagpapalit ng pangalan ng bansa. Hindi makabuluhang pag tuunan

ng pansin ang ganitong mga bagay. Para saakin ay masyadong mababaw ang repormang ito, na kung maipatupad

man ay hindi ika-uunlad ng bansa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s